Si Regine Velasquez para sa isang para sa isang magasin
Si Regina Encarnacion “Chona”Ansong Velasquez o mas kilala na Regine Velasquez ay ipinanganak noong ika-22 ng Abril 1970 sa Tondo,Maynila. Siya ay ang panganay na anak nina Teresita at Gerardo Velasquez.Sa kanyang paglaki ay naging malaking bahagi ang musika.Noong musmos pa lamang si Regine, sinanay na siya ng kanyang ama kumanta sa pamamagitang ng pagkanta sa ilalim ng dagat. Mas na unang natutunan ni Regine ang pagsaulo ng mga liriko ng mga awitin kaysa magbasa; kung kaya’t hindi maikakaila na dahil sa kanyang pagsasanay sa pagkanta ay nagging isa siyang napakahusay na mang-aawit na hanggang ngayon ay mahal ng sambayanan.
Napakaraming patimpalak sa pag-awit ang nasalihan na ni Regine Velasquez.Sa edad na 14 sumali siya sa Senior Division ng Ang Bagong Kampeon, na isang patimpalak sa pag-awit na pinangungunahan noon nina Bert “Tawa” Marcelo at Pilita Corales. Ang inawit niya ay “Saan Ako Nagkamali” at siya ang naging kauna-unahang kampeon ng paligsahan iyon ( “Regine Velasquez”,n.d). Nagsimula ang pagsikat ni Regine noong kunin siya ng GMA ( Global Media Arts) bilang panauhin sa Penthouse Live noong 1986. Sa pamamagitan ng Viva Records ay nailabas ang una niyang album sa naglalaman ng mga awiting “Kung Maibabalik ko lang”, “Isang Lahi”, at “Urong Sulong”.
Sa taong 1989 ay naging kampeon siya sa Asia Pacific Singing Contest na ginanap sa Hongkong. Inawit niya ang “You'll Never Walk Alone” at “And I Am Telling You”. Matapos ng pagkapanalong ito, ay tuluyan siyang sumikat at hinangaan sa loob at labas ng bansa (“Regine Velasquez”, 2012).
Si Regine Velasquez ay kilala bilang isang magaling na mangaawit
Sa taong 2002 at 2003 nang siya ay nagkaroon ng mga sumunod na pelikula nagngangalang “Ikaw Lamang”, “Hanggang Ngayon” kasama si Richard Gomez at “Pangarap Ko ang Ibigin Ka” kasama si Christopher de Leon at si Dingdong Dantes. At sa taong 2008 nang siya ay nagboses sa pangunahing karakter sa pelikulang Princess Urduja na ipinrodyus ng ATP Productions.
Ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez ay naging asawa na ang isang napagaling na mangaawit na si Ogie Alcasid. Ang kanilang kasal ay ginanap noong 2010 na dinaluhan ng naparaming sikat na mga personalidad sa bansa (Cruz, 2010). At ngayon ay mayroon na silang isang anak na nagngangalang Nathaniel James Alcasid (Mendoza, 2011). Sa kasalukayan, si Regine Velasquez bilang isang mangaawit at actress ay tinatangkilik pa rin ng mga Filipino. Tunay ngang isa siya sa mga pinakamagaling na biritera sa Asya.
Cruz,M.R. (2010, Disyembre 23). Sunsets wedding for singers Ogie ,Regine.
Nakuha noong Oktubre 9, 2012 mula sa
http://newsinfo.inquirer.net/inquirerheadlines/nation/view/20101223-310510/Sunset-wedding-for-singers-Ogie-Regine
Mendoza, R.J.( 2011, Hulyo 29). Ogie Alcasid and Regine Velasquez choose “ Nathaniel
James” as the name of their unborn son. Nakuha noong Oktubre 9, 2012
Mula sa http://www.pep.ph/news/30399/Ogie-Alcasid-and-Regine-Velasquez-choose-Nathaniel-James-as-the-name-of-their-unborn-son
Palad, M.( 2009, Mayo 27).Regine Velasquez’s struggles documented in roots to
Riches.Nakuha noong Oktubre 9, 2012 mula sa http://www.pep.ph/guide/guide/3990/Regine-Velasquez
Regine Velasquez.(2005).Telebisyon.net.Retrieved October 8, 2012 from http://telebisyon.net/Regine-Velasquez/artista/bio/
Regine Velasquez pictures and Biographies. (n.d.). Nakuha noong
Oktubre 9, 2012 mula sa http://www.celebrityring.info/Regine_Velasquez.html
1 (mga) komento:
nakaka inspire talaga ang buhay ng ating SONGBIRD!!
Mag-post ng isang Komento