Huwebes, Oktubre 11, 2012

DULOT NA 'DI MALILIMOT


Sa kabila ng kanyang kasikatan at katanyagan, nakakatuwang isipin na nagagamit niya ang kanyang talento sa pagtulong sa ating bayan.
Isang bahagi sa pagtatanghal ni Regine Velasquez
Siya ay umawit at nagtanghal sa itinatawag na Muling aawit ang Pasig at Piso para sa Pasigupang makatulong sa Fund Raising para sa Ilog Pasig. Noong ika-2002, ang Bantay Bata Benefit concert, One night with Regine na kanyang pinangunahan ay nanalo bilang Best Musical Special sa 2003 Asian Television Awards. Nakabilang din si Regine Velasquez sa iba pang mga artista na nagbigay pinansyal sa mga nasalanta ng bagyong Ondoy at gumawa ng espesyal na awitin tungkol sa ng mga pamilyang nasalanta ng bagyo, ang After the Rain.

Si Regine Velasquez ay nakikihalobilo sa mga bata

Naki-isa si Regine sa pagsulong ng Anti-drug campaign, kasangga ang Duty Free Philippines upang labanan ang ilegal na droga sa bansa noong 1994. Isa rin sa kanyang mga unang proyekto ang dokumentaryong kinabilangan niya na nagpahayag ng kalagayan ng mga musmos na batang walang tahanan at naging nominado pa ito bilang UNICEF Child Rights Award. At noong 2010, naging tagasulong rin siya ng Operation Smile Organization upang mag-abot tulong sa mga batang may bingot.

Isang litrato ni Regine Velasquez para sa kanyang album

Maliit o malaking tulong man, ito ay nagbibigay ng kakaibang pag-asa sa bawat tao. Kahit sa simpleng pag-awit, kung manggagaling sa puso ay maaari nang paghugutan ng ngiti. Hindi lamang n’ya tinulungan ang mga Filipinong nangangailangan kung hindi pati na rin mismo ang Filipinas. Kahit marami nang sumisikat na mga bagong mang-aawit ngayon, hindi pa rin kukupas ang tinig ng nag-iisang Regine Velasquez. Isa s’ya sa nagpayaman ng nagpaunlad ng sining ng musikang Filipino dahil sa husay n’ya sa pag-kanta. At isa ito sa pinaka-malaking kontribusyong n’ya sa Filipinas na talaga namang hindi malilimot ng nakakakarami.

Mga impormasyon na ginamit ay galing sa:

Regine Velasquez. (2008). Filmation. Nakuha noong Oktubre 8, 2012

galing sa http://www.filamnation.com/2012/02/regine-velasquez

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento

 

Blog Template by BloggerCandy.com