Huwebes, Oktubre 11, 2012

KONTROBER-SSUES


Si Regine Velasquez at Sarah Geronimo ay parehong nanalo sa Star Awards

Si Regine Velasquez, ang tinaguriang Asia’s songbird, at isa sa mga tinitingalang Pop Icon sa buong Asya. Maski kapuwa artista niya ay humahanga sa kanyang galing. Isa na dito si Sarah Geronimo na kilala bilang isang magaling na mangaawit. Batay sa artikulo na nilathala ni Acaba (2010), kinikilala ni Sarah Geronimo si Regine Velasquez bilang isang inspirasyon. Ayon kay Sarah dapat walang maganap na pagkukumpara sa pagitan nila ni Regine sapagkat naniniwala si siya na malayo pa ang agwat ng abilidad nilang dalawa. Kanya ring sinabi na si Regine ay isang napakagaling na mangaawit.

Personal na nagkakilala si Regine Velasquez at si David Archuleta

Marami ang humahanga sa talento ni Regine Velasquez. Kahit mga internasyonal na artista rin ay humahanga sa kanya. Ayon sa blog ni Jimenez (2009), sinabi ni David Archuleta,isang kilalang mangaawit na nagwagi sa patimpalak na American Idol, na nais niyang makilala ng personal si Regine Velasquez. Inamin rin niya na isa siyang masugid na tagahanga ni Regine at hinihiling niya na sana ay makatrabaho niya si Regine sa kanyang mga susunod na proyekto.

Ang I love you pare ay isang proyektong ginawa ni RegineVelasquez sa GMA

Isang magaling na artista rin si Regine Velasquez. Mahal na mahal niya ang kanyang trabaho ngunit may mga ilang proyekto ring siyang binitawan. Isa na dito ang I You Pare. Noong tanungin si Dingdong Dantes kung ano ang masasabi niya sa pagbitaw ni Regine Velasquez sa kanyang "role" sa I love you Pare, ang sabi niya ay "I'm sure Regine has a more important reason on why she chose to let go of her role. As her co-actor, and as her friend, I understand that there are more serious decisions we have to make and I respect that. Health is wealth and that is ultimately why we should take care of that." Marami ang naniniwala na magaling na actress si Regine Velasquez, at sa kanilang tingin katanggap- tanggap ang pagbitaw niya ng papel sa I love you pare sapagkat inaalala niya ang kaniyang kalusugan.

Hindi lamang sa pag-awit at pag arte kilala si Regine Velasquez; kilala rin siya bilang isang mabuting ina. Ngayon na may isa nang anak si Regine at Ogie Alcasid, nais ni Regine maging isang mahusay na ina at asawa bago bumalik sa industriya ng showbiz. Ayon singular ni Jaramillo (2012), si Regine ay hindi nakasama sa pagtitipon ng Sun Life Financial sapagkat nagkasakit ang anak niyang si Nate. Ayon rin kay Ogie Alcasid, ninanais ni Regine magpapayat upang mapanatiling malusog ang kanyang katawan.

Larawan ng isang masayang pamilya

Maraming Filipino ang makakapagsabi na si Regine Velasquez ay isa sa mga artista na mahinahon at hindi mahilig makipagaway sa ibang tao. Alam ng sambayanan na si Regine Velasquez ay ang pangalawang asawa ni Ogie Alcasid. Ayon sa kay Santiago (2012), habang nasa Singapore ang mag-asawang Alcasid kasama ang anak nilang si Nate, nagkita sila doon ni Michelle Van Eimeren, ang unang asawa ni OgieAlcasid, at ang dalawa anak ni Ogie kay Michelle na sina Leila at Sarah. Ayon sa balita, hindi nagkaroon ng alitaan maski inggitan sa pagitan ni Michelle at Regine. Ito ay nagpapakita kung gaano kabait at mahinahon si Regine at Michelle na tinuturing nila ang isa’t isa biglang isang pamilya.
Ayon sa artikulo ng ABS-CBN news (2008), boto si Michelle sa relasyon ni Ogie at Regine. Kahit na pangalawang asawa si Regine, sabi ni Michelle na tanggap na tanggap niya ang pagiibigan ni Regine at Ogie.

Mga impormasyon na ginamit ay mula sa:


ABS-CBNnews.(2008, Setyembre 28). Michelle ven Eimeren: No hard feelings
Toward Regine Velasquez. Nakuha noong Oktubre 9, 2012
Mula sa http://www.abs-cbnnews.com/entertainment/09/27/08/michelle-van-eimeren-no-hard-feelings-toward-regine-velasquez
Acaba, F. ( 2012, Setyembre 2). Sarah Geronimo on Regine Velasquez: ‘Napakalayo ni
Ms. Regine sa akin’. Nakuha noong Oktubre 8, 2012 mula sa
http://www.abs-cbn.com/Feature/Article/8528/Sarah-Geronimo-on-Regine-Velasquez-Napakalayo-ni-Ms-Regine-sa-akin-.aspx

Garcia, R. ( 2011, Abril 8). Dingdong Dantes understands Regine Velasquez–Alcasid’s
Decision to let her role I Love You Pare. Nakuha noong Oktubre 9, 2012
Mula sa http://www.pep.ph/news/29007/dingdong-dantes-understands-regine-velasquez-alcasid39s-decision-to-let-go-of-her-role-in-i-hearts-you-pare
Jaramillo, M. ( 2012, Mayo 30). Ogie Alcasid says wife Regine Velasquez is determined to
To lose weight. Nakuha noong Oktubre 9, 2012 mula sa
http://www.pep.ph/news/34291/ogie-alcasid-says-wife-regine-velasquez-is- determined-to-lose-weight

Jimenez, F. (2009, Mayo 12). David Archuleta wants to meet Regine Velasquez. Nakuha
Noong Oktubre 9, 2012 mula sa http://archuletafanscene.com/2009/05/12/david-archuleta-wants-to-meet-regine-velasquez/
Santiago, E. (2012, Setyembre 29). Regine Velasquez talks about first time meeting
Between Nate and sisters Leile and Sarah. Nakuha noong Oktubre 9, 2012
Mula sa http://www.gmanetwork.com/news/story/276126/showbiz/regine-velasquez-talks-about-first-meeting-between-nate-and-sisters-leila-and-sarah


0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento

 

Blog Template by BloggerCandy.com