Huwebes, Oktubre 11, 2012

ANG MAKULAY NA TALAMBUHAY

Si Regine Velasquez para sa isang para sa isang magasin


Si Regina Encarnacion “Chona”Ansong Velasquez o mas kilala na Regine Velasquez ay ipinanganak noong ika-22 ng Abril 1970 sa Tondo,Maynila. Siya ay ang panganay na anak nina Teresita at Gerardo Velasquez.Sa kanyang paglaki ay naging malaking bahagi ang musika.Noong musmos pa lamang si Regine, sinanay na siya ng kanyang ama kumanta sa pamamagitang ng pagkanta sa ilalim ng dagat. Mas na unang natutunan ni Regine ang pagsaulo ng mga liriko ng mga awitin kaysa magbasa; kung kaya’t hindi maikakaila na dahil sa kanyang pagsasanay sa pagkanta ay nagging isa siyang napakahusay na mang-aawit na hanggang ngayon ay mahal ng sambayanan.

Napakaraming patimpalak sa pag-awit ang nasalihan na ni Regine Velasquez.Sa edad na 14 sumali siya sa Senior Division ng Ang Bagong Kampeon, na isang patimpalak sa pag-awit na pinangungunahan noon nina Bert “Tawa” Marcelo at Pilita Corales. Ang inawit niya ay “Saan Ako Nagkamali” at siya ang naging kauna-unahang kampeon ng paligsahan iyon ( “Regine Velasquez”,n.d). Nagsimula ang pagsikat ni Regine noong kunin siya ng GMA ( Global Media Arts) bilang panauhin sa Penthouse Live noong 1986. Sa pamamagitan ng Viva Records ay nailabas ang una niyang album sa naglalaman ng mga awiting “Kung Maibabalik ko lang”, “Isang Lahi”, at “Urong Sulong”.

Sa taong 1989 ay naging kampeon siya sa Asia Pacific Singing Contest na ginanap sa Hongkong. Inawit niya ang “You'll Never Walk Alone” at “And I Am Telling You”. Matapos ng pagkapanalong ito, ay tuluyan siyang sumikat at hinangaan sa loob at labas ng bansa (“Regine Velasquez”, 2012).


Si Regine Velasquez ay kilala bilang isang magaling na mangaawit

Sa taong 2002 at 2003 nang siya ay nagkaroon ng mga sumunod na pelikula nagngangalang “Ikaw Lamang”, “Hanggang Ngayon” kasama si Richard Gomez at “Pangarap Ko ang Ibigin Ka” kasama si Christopher de Leon at si Dingdong Dantes. At sa taong 2008 nang siya ay nagboses sa pangunahing karakter sa pelikulang Princess Urduja na ipinrodyus ng ATP Productions.

Ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez ay naging asawa na ang isang napagaling na mangaawit na si Ogie Alcasid. Ang kanilang kasal ay ginanap noong 2010 na dinaluhan ng naparaming sikat na mga personalidad sa bansa (Cruz, 2010). At ngayon ay mayroon na silang isang anak na nagngangalang Nathaniel James Alcasid (Mendoza, 2011). Sa kasalukayan, si Regine Velasquez bilang isang mangaawit at actress ay tinatangkilik pa rin ng mga Filipino. Tunay ngang isa siya sa mga pinakamagaling na biritera sa Asya.

Ang mga impormansyon na ginamit ay galing sa:


Cruz,M.R. (2010, Disyembre 23). Sunsets wedding for singers Ogie ,Regine.
Nakuha noong Oktubre 9, 2012 mula sa
http://newsinfo.inquirer.net/inquirerheadlines/nation/view/20101223-310510/Sunset-wedding-for-singers-Ogie-Regine

Mendoza, R.J.( 2011, Hulyo 29). Ogie Alcasid and Regine Velasquez choose “ Nathaniel
James” as the name of their unborn son. Nakuha noong Oktubre 9, 2012
Mula sa http://www.pep.ph/news/30399/Ogie-Alcasid-and-Regine-Velasquez-choose-Nathaniel-James-as-the-name-of-their-unborn-son

Palad, M.( 2009, Mayo 27).Regine Velasquez’s struggles documented in roots to
Riches.Nakuha noong Oktubre 9, 2012 mula sa http://www.pep.ph/guide/guide/3990/Regine-Velasquez

Regine Velasquez.(2005).Telebisyon.net.Retrieved October 8, 2012 from http://telebisyon.net/Regine-Velasquez/artista/bio/

Regine Velasquez pictures and Biographies. (n.d.). Nakuha noong
Oktubre 9, 2012 mula sa http://www.celebrityring.info/Regine_Velasquez.html


DULOT NA 'DI MALILIMOT


Sa kabila ng kanyang kasikatan at katanyagan, nakakatuwang isipin na nagagamit niya ang kanyang talento sa pagtulong sa ating bayan.
Isang bahagi sa pagtatanghal ni Regine Velasquez
Siya ay umawit at nagtanghal sa itinatawag na Muling aawit ang Pasig at Piso para sa Pasigupang makatulong sa Fund Raising para sa Ilog Pasig. Noong ika-2002, ang Bantay Bata Benefit concert, One night with Regine na kanyang pinangunahan ay nanalo bilang Best Musical Special sa 2003 Asian Television Awards. Nakabilang din si Regine Velasquez sa iba pang mga artista na nagbigay pinansyal sa mga nasalanta ng bagyong Ondoy at gumawa ng espesyal na awitin tungkol sa ng mga pamilyang nasalanta ng bagyo, ang After the Rain.

Si Regine Velasquez ay nakikihalobilo sa mga bata

Naki-isa si Regine sa pagsulong ng Anti-drug campaign, kasangga ang Duty Free Philippines upang labanan ang ilegal na droga sa bansa noong 1994. Isa rin sa kanyang mga unang proyekto ang dokumentaryong kinabilangan niya na nagpahayag ng kalagayan ng mga musmos na batang walang tahanan at naging nominado pa ito bilang UNICEF Child Rights Award. At noong 2010, naging tagasulong rin siya ng Operation Smile Organization upang mag-abot tulong sa mga batang may bingot.

Isang litrato ni Regine Velasquez para sa kanyang album

Maliit o malaking tulong man, ito ay nagbibigay ng kakaibang pag-asa sa bawat tao. Kahit sa simpleng pag-awit, kung manggagaling sa puso ay maaari nang paghugutan ng ngiti. Hindi lamang n’ya tinulungan ang mga Filipinong nangangailangan kung hindi pati na rin mismo ang Filipinas. Kahit marami nang sumisikat na mga bagong mang-aawit ngayon, hindi pa rin kukupas ang tinig ng nag-iisang Regine Velasquez. Isa s’ya sa nagpayaman ng nagpaunlad ng sining ng musikang Filipino dahil sa husay n’ya sa pag-kanta. At isa ito sa pinaka-malaking kontribusyong n’ya sa Filipinas na talaga namang hindi malilimot ng nakakakarami.

Mga impormasyon na ginamit ay galing sa:

Regine Velasquez. (2008). Filmation. Nakuha noong Oktubre 8, 2012

galing sa http://www.filamnation.com/2012/02/regine-velasquez

KONTROBER-SSUES


Si Regine Velasquez at Sarah Geronimo ay parehong nanalo sa Star Awards

Si Regine Velasquez, ang tinaguriang Asia’s songbird, at isa sa mga tinitingalang Pop Icon sa buong Asya. Maski kapuwa artista niya ay humahanga sa kanyang galing. Isa na dito si Sarah Geronimo na kilala bilang isang magaling na mangaawit. Batay sa artikulo na nilathala ni Acaba (2010), kinikilala ni Sarah Geronimo si Regine Velasquez bilang isang inspirasyon. Ayon kay Sarah dapat walang maganap na pagkukumpara sa pagitan nila ni Regine sapagkat naniniwala si siya na malayo pa ang agwat ng abilidad nilang dalawa. Kanya ring sinabi na si Regine ay isang napakagaling na mangaawit.

Personal na nagkakilala si Regine Velasquez at si David Archuleta

Marami ang humahanga sa talento ni Regine Velasquez. Kahit mga internasyonal na artista rin ay humahanga sa kanya. Ayon sa blog ni Jimenez (2009), sinabi ni David Archuleta,isang kilalang mangaawit na nagwagi sa patimpalak na American Idol, na nais niyang makilala ng personal si Regine Velasquez. Inamin rin niya na isa siyang masugid na tagahanga ni Regine at hinihiling niya na sana ay makatrabaho niya si Regine sa kanyang mga susunod na proyekto.

Ang I love you pare ay isang proyektong ginawa ni RegineVelasquez sa GMA

Isang magaling na artista rin si Regine Velasquez. Mahal na mahal niya ang kanyang trabaho ngunit may mga ilang proyekto ring siyang binitawan. Isa na dito ang I You Pare. Noong tanungin si Dingdong Dantes kung ano ang masasabi niya sa pagbitaw ni Regine Velasquez sa kanyang "role" sa I love you Pare, ang sabi niya ay "I'm sure Regine has a more important reason on why she chose to let go of her role. As her co-actor, and as her friend, I understand that there are more serious decisions we have to make and I respect that. Health is wealth and that is ultimately why we should take care of that." Marami ang naniniwala na magaling na actress si Regine Velasquez, at sa kanilang tingin katanggap- tanggap ang pagbitaw niya ng papel sa I love you pare sapagkat inaalala niya ang kaniyang kalusugan.

Hindi lamang sa pag-awit at pag arte kilala si Regine Velasquez; kilala rin siya bilang isang mabuting ina. Ngayon na may isa nang anak si Regine at Ogie Alcasid, nais ni Regine maging isang mahusay na ina at asawa bago bumalik sa industriya ng showbiz. Ayon singular ni Jaramillo (2012), si Regine ay hindi nakasama sa pagtitipon ng Sun Life Financial sapagkat nagkasakit ang anak niyang si Nate. Ayon rin kay Ogie Alcasid, ninanais ni Regine magpapayat upang mapanatiling malusog ang kanyang katawan.

Larawan ng isang masayang pamilya

Maraming Filipino ang makakapagsabi na si Regine Velasquez ay isa sa mga artista na mahinahon at hindi mahilig makipagaway sa ibang tao. Alam ng sambayanan na si Regine Velasquez ay ang pangalawang asawa ni Ogie Alcasid. Ayon sa kay Santiago (2012), habang nasa Singapore ang mag-asawang Alcasid kasama ang anak nilang si Nate, nagkita sila doon ni Michelle Van Eimeren, ang unang asawa ni OgieAlcasid, at ang dalawa anak ni Ogie kay Michelle na sina Leila at Sarah. Ayon sa balita, hindi nagkaroon ng alitaan maski inggitan sa pagitan ni Michelle at Regine. Ito ay nagpapakita kung gaano kabait at mahinahon si Regine at Michelle na tinuturing nila ang isa’t isa biglang isang pamilya.
Ayon sa artikulo ng ABS-CBN news (2008), boto si Michelle sa relasyon ni Ogie at Regine. Kahit na pangalawang asawa si Regine, sabi ni Michelle na tanggap na tanggap niya ang pagiibigan ni Regine at Ogie.

Mga impormasyon na ginamit ay mula sa:


ABS-CBNnews.(2008, Setyembre 28). Michelle ven Eimeren: No hard feelings
Toward Regine Velasquez. Nakuha noong Oktubre 9, 2012
Mula sa http://www.abs-cbnnews.com/entertainment/09/27/08/michelle-van-eimeren-no-hard-feelings-toward-regine-velasquez
Acaba, F. ( 2012, Setyembre 2). Sarah Geronimo on Regine Velasquez: ‘Napakalayo ni
Ms. Regine sa akin’. Nakuha noong Oktubre 8, 2012 mula sa
http://www.abs-cbn.com/Feature/Article/8528/Sarah-Geronimo-on-Regine-Velasquez-Napakalayo-ni-Ms-Regine-sa-akin-.aspx

Garcia, R. ( 2011, Abril 8). Dingdong Dantes understands Regine Velasquez–Alcasid’s
Decision to let her role I Love You Pare. Nakuha noong Oktubre 9, 2012
Mula sa http://www.pep.ph/news/29007/dingdong-dantes-understands-regine-velasquez-alcasid39s-decision-to-let-go-of-her-role-in-i-hearts-you-pare
Jaramillo, M. ( 2012, Mayo 30). Ogie Alcasid says wife Regine Velasquez is determined to
To lose weight. Nakuha noong Oktubre 9, 2012 mula sa
http://www.pep.ph/news/34291/ogie-alcasid-says-wife-regine-velasquez-is- determined-to-lose-weight

Jimenez, F. (2009, Mayo 12). David Archuleta wants to meet Regine Velasquez. Nakuha
Noong Oktubre 9, 2012 mula sa http://archuletafanscene.com/2009/05/12/david-archuleta-wants-to-meet-regine-velasquez/
Santiago, E. (2012, Setyembre 29). Regine Velasquez talks about first time meeting
Between Nate and sisters Leile and Sarah. Nakuha noong Oktubre 9, 2012
Mula sa http://www.gmanetwork.com/news/story/276126/showbiz/regine-velasquez-talks-about-first-meeting-between-nate-and-sisters-leila-and-sarah


LINKS AT WEBSITE

Mga Links ng Iba Blog at Website Tungkol kay Regine Velasquez:

1. Kakulay Entertainment Blog. (2012, Setyembre 18). “Sarap Diva” hosted by Regine Velasquez
This October 6 [Blog Post]. Nakuha noong Oktubre 9, 2012 mula sa
http://kakulay.blog.com/2012/09/sarap-diva-hosted-by-regine-velasquez-this-october-6/

Ayon sa blog ng Kakulay Entertainment Blog, Si Regine Velasquez ay may bagong proyekto sa GMA na ipinalabas noong ika-6 ng Oktubre. Ang bagong programa ni Regine na ang pangalan ay Sara Diva ay may kinalaman sa talento ni Regine magluto ng iba't ibang pagkain.

2. Karenade. (2012, Hulyo 25). Regine Velasquez considers diet a serious business [Blog Post].
Nakuha noong Oktubre 9, 2012 mula sa
http://trendykaren.blogspot.com/2012/07/regine- velasquez-considers-diet-serious.html

Ayon sa blog ni Karenade, binibigyan ni Regine ng halaga ang kanyang pagbabawas ng timbang sapagkat gusto niya maabot ang kanyang pinakamimithing timbang na 125 lbs. Gusto ng Asia’s Songbird na maabot ang timbang na125 lbs. upang sa kanyang susunod na pagtatanghal sa Nobyembre ay manumbalik na ang kaniyang dating pangangatawan.

3. Mon1enararauno. (2012, Pebrero 17). RegineVelasquez-Alcasid: Special gues
At Jose and Wally sa Araneta: A party for every Juan [Blog Post]. Nakuha noong
Oktubre 9, 2012 mula sa
http://songbirdsource.blogspot.com/2012/02/regine-velasquez-alcasid- special-guest.html

Ang blogger na si Mon1enararauno ay isa sa mga tagahanga ni Asia's Songbird Regine Velasquez. Sa kanyang blog, makikita ang mga impormasyon sa mga pagtatanghal, at mga bagong palabas ni Regine Velasquez.

4. Naiza. (2012). Regine Velasquez- Singer, Actress, Entertainer. Nakuha noong
Oktubre 9, 2012 mula sa http://www.squidoo.com/regine_velasquez


Ang blog na ginawa ni Naiza ay puno ng mga impormasyon na makakatulong sa mga Filipino at mga banyaga sa pagkilala kay Regine Velasquez. Ninanais ng kanyang blog ipakita ang galing ni Asia’s Songbird Regine Velasquez kumanta at umarte.


5. Reyes, E. (2012, Abril 4). Regine Velasquez- Philippines’Songbird [Blog Post]. Nakuha
Noong Oktubre 9, 2012 mula sa
http://philippineicons.blogspot.com/2012/04/regine-velasquez- philippines-songbird.html

Ayon sa gumawa ng blog na si Edna Reyes, si Regine Velasquez ay isa sa mga Filipinong mangaawit na kayang punuin ang Big Dome (Araneta Colisuem) kung siya ay may pagtatanghal. Kahit gaano man karami ang gusto siyang makatrabaho sa mga pelikula at mga teleserye,si Regine ay tapat pa rin sa kanyang unang minahal na gawin, walang iba kung hindi ang pag-awit sa entablado.


 

Blog Template by BloggerCandy.com